Ano ba ang Stock Market?
Ito ang mga karaniwang tanong na nakukuhanamin:
"Sir paano po ba yang i-stock market?" "Hi Sir, I'm interested in the Stock Market, paano po ba mag-simula?" "Bro, paano ba kumikita diyan sa stocks? Parang ayos yan ah" "Ser, single ka ba?"
Ngayon sasagutin namin ang lahat ng inyong mga katanungan.
Back to basics tayo.
i-discuss muna natin kung paano gumagana ang isang market
Ano ang pinaka simpleng example ng isang market?
Palengke.
Sa palengke ang mga binibili at binebenta ay mga gulay, prutas, bigas, at iba pang mga kasangkapan natin sa pang-araw-araw.
Ang stock market ay para ring Palengke.
Pero imbes na mga produkto, sa stock market ang nabibili mo ay mga COMPANY.
Oo tama, mga Kumpanya.
Mga kumpanya na nag bibigay satin ng produkto at serbisyo sa pang-araw araw nating pamumuhay, gaya ng Ayala Land, Meralco, PLDT, Megaworld, Petron, San Miguel, Jolibee atbp.